Halalan mapayapa – COMELEC
MANILA, Philippines - Bagama’t nagkaroon ng kaunting aberya sa ilang preÂsinto ay ipinagmalaki pa rin ni Commission on Elections (Comelec) ChairÂman Sixto Brillantes na naging payapa at maayos sa pangkalahatan ang idinaos na midterm elections kahapon batay umano sa mga report na kaÂnilang natatanggap.
Nagkaroon lamang ng kaunting aberya tulad nang pagpalya ng ilang mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa ilang lugar.
Sa kanilang pagtaya nasa hanggang 200 PCOS machines lamang naman ang nagkaproblema sa maghapong halalan.
Mas kaunti pa rin aniya ito kumpara sa mahigit 400 PCOS machines na nagkaaberya noong May 2010 automated polls.
Nilinaw din ni BrillanÂtes na wala pa silang idiniÂdeklarang failure of elections kahit pa walang naganap na botohan sa ilang presinto sa Compostela Valley at sa Baguio City maÂtapos na magkapalit ang mga balota ng mga ito.
Posible rin aniyang hindi na magkaroon pa ng special elections sa mga naturang lugar dahil kakaunti lamang ang mga botante roon at hindi na aniya ito makakaapekto pa sa resulta ng eleksiyon.
Sa kabila naman ng ilang problema sa halalan ay kumpiyansa pa rin si Brillantes na maaaring maiproklama na nila hanggang sa Miyerkules ng gabi ang lahat ng mga maÂnanalong kandidato sa katatapos na eleksiyon.
Iniulat rin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina na naÂging matiwasay sa pangkalahatan ang naganap na halalan kahapon sa buong Metro Manila habang may mangilan-ngilan na naiulat na insidente ng karahasan at kaguluhan sa ilang lugar na itinuturing nilang “isolated incidentâ€.
Kabilang dito ang pagÂkakadakip sa 12 hinihinalang “flying voters†sa Brgy. Barangka Ilaya sa Mandaluyong City. Pinagdadampot ng mga pulis ang mga suspek na hindi residente ng naturang barangay ngunit nagawang makapagparehistro.
Nasa 14 na lalaki naman ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na lulan ng isang van makaraang mahulihan ng mga baril, bala at iba’t ibang idenfication cards kabilang ang isang may nakasulat na MNLF Security sa kanilang posesyon sa Almario Elementary School sa Tondo, Maynila.
Galing umano sa loob ng paaralan ang mga lalaki at may nag-tip sa pulis sa nakitang baril na nakasukbit sa kanilang tagiliran. Tinangka pa umanong tumakas ng mga lalaki nguÂnit nasakote ng mga pulis.
- Latest