1,886 Preso sa bilibid magsisiboto rin

MANILA, Philippines - Boboto rin ngayong araw ang may 1,886 bilanggo sa New Bilibid Pri­sons (NBP) sa Muntinlupa City. 

Nabatid kay Muntinlupa Comelec officer Atty. Dina Valencia na handa na ang mga guro na magsisilbing “board of election inspectors (BEI)” sa lungsod kabilang ang 65 na itatalaga sa NBP.

Bukod dito, nasa 270 preso rin na nakaditine sa Bureau of Jail Mana­gement and Penology (BJMP) detention centers ang makakaboto.

Ayon kay Valencia, natapos na ang pinal na testing at sealing ng mga “precinct count optical scan machines (PCOS)” makaraan ang naganap na aberya noong nakaraang Lunes. Isinagawa ang testing ng kapalit na pitong mga makina at naging matagumpay ito.

Show comments