Maulan ang eleksyon– PAGASA

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang pamunuan ng Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga botante na magtutungo sa kanilang mga presinto para bumoto ngayong araw na magdala ng pananggalang sa ulan dahil sa makakaranas ng pag-ulan.

Magkakaroon ng pagbuhos ng ulan sa ba­hagi ng Cordillera, Ilocos Region, MIMAROPA, Zamboanga Pe­ninsula at sa buong Mindanao.

Ang nasabing pag-ulan ay dulot umano ng umiiral na tail end of cold front at intertropical convergence zone (ITCZ).

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Manaka-naka namang pag-ulan ang ma­raranasan sa Metro Ma­nila.

Show comments