Maulan ang eleksyon– PAGASA
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang pamunuan ng Philippine Atmospheric, GeophyÂsical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga botante na magtutungo sa kanilang mga presinto para bumoto ngayong araw na magdala ng pananggalang sa ulan dahil sa makakaranas ng pag-ulan.
Magkakaroon ng pagbuhos ng ulan sa baÂhagi ng Cordillera, Ilocos Region, MIMAROPA, Zamboanga PeÂninsula at sa buong Mindanao.
Ang nasabing pag-ulan ay dulot umano ng umiiral na tail end of cold front at intertropical convergence zone (ITCZ).
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Manaka-naka namang pag-ulan ang maÂraranasan sa Metro MaÂnila.
- Latest