Pulis-Pateros itinurong nangholdap sa FX

MANILA, Philippines - Laking gulat ng isang ginang nang makita niya sa mga litrato sa Manila Police District (MPD)  na ang isa sa mga nangholdap sa kanya sa FX taxi sa bahagi ng Taft Avenue sa Ermita, noong Mayo 6 ay isa palang pulis.

Positibong kinilala ng biktima na si Lorna Ca­limag, 47, isang Overseas Filipino Worker (OFW)  ang ipinakitang file na may litrato ni “PO3 Abraham M.” ng Pateros Police.

Sa salaysay ng biktima na dakong alas-8:15 ng gabi noong Mayo 6 nang sumakay siya ng FX Taxi sa bandang likurang bahagi ng sasakyan.

Habang nasa tapat naman niya ang suspek na  nagkunwaring pasahero na may kasamang dalawang lalaki.

Habang binabaybay ang Taft Avenue, Ermita ay bumunot ng patalim si PO3 Abraham M at nagdeklara ng holdap at kinuha ang kaniyang da­lang IPhone 4s na nagkakahalagang P30,000 2 piraso ng silver bracelet na aabot sa halagang P8,000 singsing na ginto na may brilyante na nagkakahalagang P10.000 Polo wrist watch na aabot sa halagang P1,500 at cash na P40,000 habang nakulimbat din ng 2 lalaki na kasamahan ng pulis ang iba pang maghalagang gamit ng mga pasahero, saka mabilis na umeska­po matapos isagawa ang pang­hoholdap.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang nasa­bing pulis sa piskalya ma­karaang kilalanin ng kaniyang biktima.

Show comments