Nanonood ng search for feeling pogi… 13-anyos nakuryente, todas
MANILA, Philippines - Todas ang isang 13-Âanyos na binatilyo haÂbang sugatan naman isinugod sa pagamutan ang kanÂyang kaibigan makaraang makuryente habang masayang nanonood ng “Search for Feeling Pogi 2013†sa kanilang lugar sa Parola Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi na naisalba sa Gat Andres Bonifacio HosÂpital ang biktimang si John Quel, 13 anyos, residente ng #17 Parola Compund, Tondo, Maynila.
Habang inoobserbahan pa sa nasabing pagamutan ang isa pang biktima na si JL Mark Zabala, 11 anyos, residente ng Gate 17, Parola Compound, Tondo.
Sa ulat ni SPO3 GlenÂzor Vallejo, ng Manila PoÂlice District Homicide Section, dakong alas-11:25 ng gabi nang maÂganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Habang rumarampa na umano ang mga contestants nang biglang tumumba si Quel sa sementadong kalsada kaya sa pagkabigla ni Zabala na katabi niya ay tinulungan niya ito subalit siya man ay nakuryente.
Mabilis namang isiÂnugod sa nabanggit na hospital ang dalawang bikÂtiÂma pero nasawi rin si Quel makalipas ang ilang minuto.
Ang patimpalak ay inorÂganisa umano ng Rivas Gay Club na nakipag-ugÂnaÂyan sa mga pamilya ng mga biktima para sa pagpapagamot at pagpapalibing sa dalawa.
- Latest