^

Police Metro

6 lugar sa MM tututukan ng PNP – TF SAFE

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahilan sa mainit na labanan sa pulitika kung kaya’t mahigpit na minomonitor ng PNP-Task Force SAFE (Secured and Fair Elections) 2013 ang 6 lugar sa Metro Manila na  ikinokonsiderang ‘areas of concern’.

Tumanggi naman si P/Deputy Director General Ager Ontog, Commander ng PNP Task Force SAFE 2013 na tukuyin ang nasabing mga lugar bunga na rin ng kahilingan ng Sangguniang Bayan member  na tutol na ianunsyo sa publiko na ‘areas of concern’ ang mga nasasaklaw ng kanilang hurisdiksyon.

Kapwa all systems go na ang PNP at AFP sa ipa­tutupad na seguridad para sa midterm polls upang matiyak ang tagumpay nito.

Samantala, bagaman hindi tinukoy ni Ontog ang naturang mga lugar na itinuturing na ‘areas of concern’ ay naging laman ng mga balita nitong mga nagdaang araw ang mga kaguluhan sa banggaan ng mga kandidato sa mga lungsod ng Maynila, Taguig at Caloocan.

CALOOCAN

DAHILAN

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AGER ONTOG

KAPWA

METRO MANILA

SANGGUNIANG BAYAN

SECURED AND FAIR ELECTIONS

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with