RJ Echiverri sinuportahan ng 25 party-list
MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama sa iisang layunin ang iba’t ibang party-list groups upang suportahan ang kandidatura ni Liberal Party (LP) mayoralty bet Ricojudge Janvier “RJ†Echiverri sa Caloocan City.
Pinangunahan ni Echiverri ang ginanap na Multi-Sectoral Convergence Meeting sa Bagong Silang, Caloocan City na dinaluhan ng mga grupong Filipinos With Disabilities, Sanlakas, Kabagis, Ating Guro, Agham, ACT-CIS, Abakada, Bagong HeneÂrasyon, Akbayan, AMA (Senior Citizens), Bayan Muna, 1-Sagip, PISTON, Akap-Bata at marami pang ibang party-list groups.
Nagkaroon ng open forum sa ginanap na programa kung saan ay binigyan ng pagkakataon ang iba’t-ibang party-list na magtanong kay Echiverri kung ano ang magagawa nito sa kanilang sektor na inirerepresenta.
Isa-isa namang sinagot ni Echiverri ang mga katanungan ng mga ito at base na rin sa kinalabasan ng open forum ay napahanga ang iba’t-ibang party-list groups dahil sa pagiÂging matapat ng mga sagot nito sa kanilang tanong.
Kabilang sa mga paÂngunahing tanong ng mga ito kay Echiverri ay kung ano ang magagawa ng LP mayoralty bet sa mga senior citizen na kadalasang nababalewala ng lipunan na sinagot naman nito ng kasiguruhan na mas higit pang atensiyon ang kanyang ibibigay sa mga ito bukod pa sa bibigyan ang mga matatandang residente ng tanggapan sa bawat barangay upang hindi na mahirapan ang mga ito na magtungo sa mas malalayong lugar.
Tiniyak din ni Echiverri ang pagtulong sa mga may problema sa National Housing Authority (NHA) at idinagdag pa nito na kapag sila na kanyang amang si Enrico “Recom†Echiverri na tumatakbong kinatawan ng unang distrito, ang nakapuwesto ay pagtutulungan nila ang pagbibigay ng solusyon upang mapadali ang pagkakaroon ng sariÂling bahay at lupa ng mga mahihirap na residente na walang sariling tinitirhan.
Naging sentro din ng ginanap na pagtitipon ang paglagda ng mga pangunahing personalidad sa Ten-Point Agenda kung saan nakasaad ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga may kapansanan at ang mga napag-usapan sa naturang pagtitipon.
Nang matapos na magsilagda sa pangunguna ni RJ na sinundan ng mga kinatawan ng bawat party-list groups ay nagpalipad ng lobo na kulay dilaw ang mga ito bilang tanda ng pagtupad sa mga nilalaman ng mga nilagdaang kasundaan sa pagitan ng mga ito.
- Latest