MANILA, Philippines - Libu-libong ‘disadÂvantaged workers’ sa CaÂloocan City ang nabigyan ng tulong ni Vice Mayor at Liberal Party (LP) congressional candidate Edgar “Egay†Erice sa pamamagitan ng programa ng pamahalaang nasyunal na “Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged WorÂkers†(TUPAD).
Kaagapay ang Department of Labor and Employment (DOLE), nauna nang natulungan ni Erice ang may 8,000 residente na naÂging biktima ng mga nagÂdaang malalakas na bagyo at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na napilitang umuwi dahil sa krisis o kaguluhan sa bansang kanilang pinagtaÂtrabahuan.
“Hangga’t may mga kaÂbabayan na naaapektuhan dahil sa kalamidad at maging ang ating mga OFW, magpapatuloy ako sa aking adhikain na matulungan sila sa abot ng aking makakaya,†ani Erice.
Idinagdag pa nito na kahit walang pondo na naÂkalaan sa kanya bilang pangalawang-alkalde ng Caloocan nagawa pa rin niyang maisakatuparan ang mga proyekto at progÂrama na direktang pinaÂkikinabangan ng mga residente sa lungsod lalo na sa District 2 dahil sa todong suporta na nakukuha niya sa Pangulong Aquino.
Patuloy pa rin ang pagÂlobo ng mga scholars ni Erice na umabot na sa mahigit na 300 mag-aaral na marurunong subalit salat sa buhay. Ang mga ito ay nag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo at ilang mga accredited vocational at technical schools sa Metro Manila.