^

Police Metro

Libong residente sa Caloocan nabiyayaan ng TUPAD – Erice

Pang-masa

MANILA, Philippines - Libu-libong ‘disad­vantaged workers’ sa Ca­loocan City ang nabigyan ng tulong ni Vice Mayor at Liberal Party (LP) congressional candidate Edgar “Egay” Erice sa pamamagitan ng programa ng pamahalaang nasyunal na “Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged Wor­kers” (TUPAD).

Kaagapay ang Department of Labor and Employment (DOLE), nauna nang natulungan ni Erice ang may 8,000 residente na na­ging biktima ng mga nag­daang malalakas na bagyo at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na napilitang umuwi dahil sa krisis o kaguluhan sa bansang kanilang pinagta­trabahuan.

“Hangga’t may mga ka­babayan na naaapektuhan dahil sa kalamidad at maging ang ating mga OFW, magpapatuloy ako sa aking adhikain na matulungan sila sa abot ng aking makakaya,” ani Erice.

Idinagdag pa nito na kahit walang pondo na na­kalaan sa kanya bilang pangalawang-alkalde ng Caloocan nagawa pa rin niyang maisakatuparan ang mga proyekto at prog­rama na direktang pina­kikinabangan ng mga residente sa lungsod lalo na sa District 2 dahil sa todong suporta na nakukuha niya sa Pangulong Aquino.

Patuloy pa rin ang pag­lobo ng mga scholars ni Erice na umabot na sa mahigit na 300 mag-aaral na marurunong subalit salat sa buhay. Ang mga ito ay nag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo at ilang mga accredited vocational at technical schools sa Metro Manila.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISADVANTAGED WOR

LIBERAL PARTY

METRO MANILA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG AQUINO

SHY

TULONG PANGKABUHAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with