MANILA, Philippines - Kinatatakutan umano ng mga residente ng Parañaque City ang pangako ni 1st Dist. Rep. Edwin Olivarez na pauunlarin niya ang serbisyong pang-edukasyon, pangkalusugan, pangkabuÂhayan at kagalingang panliÂpunan.
Ayon sa mga residente hindi sila naniniwala kay Olivarez na pauunlarin niya ang “public education system†dahil sila ang may-ari ng Olivarez College dahil kapag pinaganda pa niya ang mga pampublikong paaralan kakaunti na lang mag-eenrol sa kanilang priÂbadong paaralan.
Ganun din na pagagandahin niya ang serbisyo sa pampublikong ospital ay hindi rin umano mangyayari dahil ang kanyang pamilÂya ang nagmamay-ari ng Olivarez Hospital at kapag pinagbuti ang serbisyo sa pampublikong ospital, kakaunti na lang ang magpapagamot sa kanilang ospital.
Maging ang socialized housing para sa mga mahihirap ay hindi rin umano mangyayari dahil batid ng lahat na patuloy na tumatanggi ang pamilya Olivarez na ipagbili ang isa sa kanilang pag-aaring lupa sa pamahalaang Lungsod ng Parañaque upang gawing “soÂcialized housing site†para sa mga mahihirap.