MANILA, Philippines - Dahil umano sa tangkang pagnanakaw ng Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) sa loob ng tanggapan ng natuÂrang ahensiya ay pormal nang isinampa sa Commission on Elections (Comelec) ang kasong paglabag sa Section 261 (y) (15) of the Omnibus Election Code na nagbabawal sa pagtanggal, pagsira at pagtanggal ng anumang sertipikadong voters list laban sa anak na babae ni outgoing Caloocan City 1st District Congressman Oca Malapitan at sa apat pa nitong staff.
Bukod sa anak ng kongresista na si Sharon Malapitan, kabilang din sa mga sinampahan ng kaso ay sina Carmencita Simon, 41, deÂputy chief of staff, Kathleen Catalan, 24, Kristine LosanÂtas Desierto, 25 at Penny Lou Verzosa, 25, pawang mga nagpakilalang congressional staff ni Malapitan.
Ang pagkawala ng EDCVL ay posibleng pagmulan ng kaguluhan sa gaganaping eleksiyon sa darating na Lunes.
Base sa sinumpang salaysay ng mga nakasaksing sina Luz Guiatao, Marcelina Balagtas at Carmencita Escoto, nakita ng mga ito si Sharon na hawak ang isang laptop computer na naghihintay sa labas ng Comelec office na nagsabi sa kanyang mga kasama ng mga katagang ‘ito ang laptop, itakbo mo na’.
Nang akmang aalis na ang inutusan nitong tumakbo ay hinarangan ito ni Guiatao at ng kanyang mga kasama dahilan upang maunsiyami ang plano ng mga ito.
Ayon kay Atty. Mei Go, abugado ng complainant na si Rolando Sustuido, malinaw na nilabag ng mga naaresto ang Omnibus Election Code kaya’t dapat lamang na maparusahan ang mga ito.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbesÂtigasyon ang mga otoridad hinggil sa naganap na insidente.