^

Police Metro

Anak ni malapitan, 4 pa kinasuhan sa COMELEC

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa tangkang pagnanakaw ng Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) sa loob ng tanggapan ng natu­rang ahensiya ay pormal nang isinampa sa Commission on Elections (Comelec) ang kasong paglabag sa Section 261 (y) (15) of the Omnibus Election Code na nagbabawal sa pagtanggal, pagsira at pagtanggal ng anumang sertipikadong voters list laban sa anak na babae ni outgoing Caloocan City 1st District Congressman Oca Malapitan at sa apat pa nitong staff.

Bukod sa anak ng kongresista na si Sharon Malapitan, kabilang din sa mga sinampahan ng kaso ay sina Carmencita Simon, 41, de­puty chief of staff, Kathleen Catalan, 24, Kristine Losan­tas Desierto, 25 at Penny Lou Verzosa, 25, pawang mga nagpakilalang congressional staff ni Malapitan.

Ang pagkawala ng EDCVL ay posibleng pagmulan ng kaguluhan sa gaganaping eleksiyon sa darating na Lunes.

Base sa sinumpang salaysay ng mga nakasaksing sina Luz Guiatao, Marcelina Balagtas at Carmencita Escoto, nakita ng mga ito si Sharon na hawak ang isang laptop computer na naghihintay sa labas ng Comelec office na nagsabi sa kanyang mga kasama ng mga katagang ‘ito ang laptop, itakbo mo na’.

Nang akmang aalis na ang inutusan nitong tumakbo ay hinarangan ito ni Guiatao at ng kanyang mga kasama dahilan upang maunsiyami ang plano ng mga ito.

Ayon kay Atty. Mei Go, abugado ng complainant na si Rolando Sustuido, malinaw na nilabag ng mga naaresto ang Omnibus Election Code kaya’t dapat lamang na maparusahan ang mga ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbes­tigasyon ang mga otoridad hinggil sa naganap na insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CARMENCITA ESCOTO

CARMENCITA SIMON

COMELEC

DISTRICT CONGRESSMAN OCA MALAPITAN

ELECTION DAY COMPUTERIZED VOTER

KATHLEEN CATALAN

OMNIBUS ELECTION CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with