^

Police Metro

Source code hawak na ng COMELEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Come­lec Chairman Six­to Brillantes, Jr., na maaari nang rebyuhin ng mga interesadong partido ang source code o ang human readable instructions ng precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa nalalapit na midterm elections sa bansa sa Lunes.

Sa ginanap na press conference, opisyal nang iniabot ng mga kinatawan ng Dominion Voting Systems Inc. at Systest Labs Inc. (SLI) Global Solutions kay Chairman Brillantes ang compact disc (CD) na naglalaman ng source code.

Ang naturang CD ay may label ng SLI Global Solutions - Dominion Source Code at may naka­lagay na confidential.

Laking pasalamat ng poll chief sa Dominion at sa Smartmatic dahil sa kabila ng kanilang legal dispute sa Estados Unidos ay nagkasundo ang mga ito na dalhin na ang source code sa Pilipinas upang hindi magka-problema ang halalan.

Matapos ang turnover ceremony ay kaagad na dinala ng mga opisyal ang source code sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang ilagak doon tulad nang ginawa sa 2010 source code.

Magugunita na naantala ang release at review ng source code dahil sa legal dispute sa pagitan ng may-ari nito na Dominion Voting Systems Inc, at ng Smartmatic, na siyang contractor ng Co­melec para sa automated elections system dahil sa pagtanggi ng una na i-release ang source code na hawak ng SLI Global Solutions na siyang sumuri at nagsertipikang accurate ito, dahil ayaw umanong magbayad ng Smartmatic ng $10 milyon sa kanila para sa paggamit nito ng kanilang teknolohiya.

 

BANGKO SENTRAL

CHAIRMAN BRILLANTES

CHAIRMAN SIX

CODE

DOMINION SOURCE CODE

DOMINION VOTING SYSTEMS INC

GLOBAL SOLUTIONS

SMARTMATIC

SOURCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with