MANILA, Philippines -Inendorso ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) isa sa mga pinakamalaÂking grupo ng mga manggagawa sa buong bansa ang kandidatura ni BenigÂno Bam Aquino.
Ang TUCP ay may huÂmigit-kumulang na 1.2 milyon miyembro mula sa halos 30 federations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang pag-endorso ay piÂnangunahan ni TUCP partylist Rep. Raymond DeÂmocrito Mendoza, at kinabilangan ng iba pang mga kandidatong sinusuportahan ng TUCP. Ayon sa TUCP, si Aquino ay kaÂbilang sa mga senatorial bets na “ipinakita ang kaÂnilang paninindigan na suportahan ang ‘legislated wage increase’ sa 16th CongÂress.â€
Napag-usapan rin ng TUCP at ni Bam ang pagrepaso at pagsulong ng mas marami pang mga “pro-worker poÂliciesâ€, lalung-lalo na pagdating sa contractualization.