MANILA, Philippines -Nanawagan ang pamunuan ng QCPD-District Traffic Enforcement Unit sa sinumang kaanak ng isang lalaki na nasawi maÂtapos mabangga ng isang Mitsubishi Canter Aluminum van noong Mayo 1, ganap na alas-4:00 ng madaling-araw sa kanto ng Limbaga at Scout Tobias St., Brgy. LaÂging Handa, ng nasabing lungsod.
Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 28-30 ang edad, medium built ang katawan, deretso ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt at short. Ang taas ay nasa 5’6â€-5’8†at may tattoo na “RAYGAN†sa kaÂliwang dibdib.
Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nasa morgue ng Prime Funeral Services na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Litex, Brgy. Commonwealth, QC.
Makipag-ugnayan ang sinumang kaanak o sinuman sa QCPD-Traffic Sector-4. Edsa, Kamuning sa telephone # 414-8002.