^

Police Metro

Militar vs Abu: 8 utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group at dalawang sundalo na kinabibilangan ng isang opisyal ng Army ang nasawi sa naganap na sagupaan kamakalawa ng hapon sa bayan ng Al Barka, Basilan.

Kinilala ang nasawing mga sundalo na sina Army Major Alin Kannung, Executve Officer ng Army’s 32nd Infantry Battalion (IB) at Technical Sergeant Ferdinand Costan. Tatlo rin sa mga sundalo ang nasugatan na ilipad ng helicopter patungong Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Sa panig na kalaban kinilala ang dalawang nasawi na sina Mardan Sapili at isang alyas Mingkong matapos marekober ang bangkay sa encounter site habang may intelligence report na apat pang bangkay ng mga bandido ang tinangay ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Batay sa ulat ni Army’s 104th Infantry Brigade Col. Carlito Galvez, bago naganap ang sagupaan bandang alas-3:00 ng hapon sa Sitio Pagtawanan,Tipo-Tipo ng lalawigan ay galing ang tropa ng Army’s 18th IB sa pamumuno ni Lt.Col. CJ Paolo Perez at Kannung sa Brgy.Ungkaya Pukan patungo sa Brgy. Bohe Piyang; pawang sa bayan ng Al Barka para  magdedeliber sana ng 20 kam­bing at mga manok sa komunidad  nang paulanan sila ng bala ng nasa 30-40 miyembro ng ASG sa  pamumuno ng grupo nina Abu Sayyaf Commander Nurhasan Jamiri at Basir Kasaran.

Inihayag ng opisyal na may mga tropang Kano rin ng US Joint Special Action Force (USJSOTF) ang sumama para sa pagde-deliver ng mga alagaing hayop na ipamimigay sa komunidad dahilan bahagi ito ng proyekto ng US Agency for International Development (USAID) na nagsusulong ng proyektong pangkaunlaran sa mahihirap na komunidad.

vuukle comment

ABU SAYYAF COMMANDER NURHASAN JAMIRI

ABU SAYYAF GROUP

AL BARKA

ARMY MAJOR ALIN KANNUNG

BASIR KASARAN

BOHE PIYANG

BRGY

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CARLITO GALVEZ

EXECUTVE OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with