MANILA, Philippines - Nanguna si Caloocan City mayoralty candidate Ricojudge “RJ†Echiverri sa pinakahuling survey na isinagawa ng kilalang survey firm matapos iwan nito ng malaking puntos ang kanyang mga kalaban sa pagka-alkalde ng lungsod.
Sa isinagawang survey ng Asia Research Organization, Inc. (ARO), lumalabas na 11 sa 16 na zones ang pumapabor kay Echiverri at sa 1,200 na rehistradong botante, 56 percent ang nakuha ni RJ ng Liberal Party (LP) habang 41 percent ang kay Oca Malapitan ng United Nationalist Alliance (UNA)samantalang 2 percent lamang kay Boy Asistio (Independent), 1 percent naman dito ang undecided. Ang pinakahuÂling lumabas na survey ay ginanap noong April 29 hanggang May 3, 2013.
Umangat din sa survey si RJ kung saan ay nakakuha ito ng 54 percent trust rating kumpara sa 41 percent at 5 percent nina Malapitan at Asistio ayon sa pagkakasunod. Kabilang din sa mga tinanong ay may edad na 18-anyos pataas.
Sa labanan naman sa kongreso, malaki ang inilamang ni Mayor Enrico “Recom†Echiverri (LP) sa 1st District kung saan ay nakakuha ito ng 60 percent habang si Along Malapitan (UNA) ay may 34 percent samantalang si Roberto Guanzon (Independent) ay mayroon lamang 5 percent habang 1 percent din ang undecided.
Ang pinaka-malinaw na dahilan kung bakit si RJ ang kanilang iboboto ay ang “personal accomplishments†nito sa kanyang pagiging “performer†kaya’t maraming proyekto ang naipagawa nito sa lungsod.
Nagpasalamat naman si RJ sa publiko dahil sa pagbibigay ng suporta ng mga ito sa kanya habang hinakayat pa nito ang mga residente na protektahan ang kanilang mga boto sa mismong araw ng eleksiyon.