Full alert para sa eleksyon ikinasa ng PNP
MANILA, Philippines - Ikinasa na kahapon ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang 148,000 nitong malaÂkas na puwersa sa buong bansa sa gaganaÂping midterm election sa Mayo 13.
Ayon kay Chief Supt. Miguel Antonio, Deputy National Task Force Commander ng SAFE (Secured and Fair Elections) 2013, ang hakbang ay upang matutukan ang seguridad para sa matiwasay at mapayapang halalan.
Nangangahulugan na kanÂselado muna ang bakasÂyon at ipakakalat na ang mga karagdagang 30,000 pulis para ideploy partikular na sa mga idineklarang ‘high risk areas’ na matindi ang labanan sa pulitika at mga nangyayaring karahasan.
- Latest