MANILA, Philippines - Hinihinalang isang scripted ang naganap na pagbato sa isang caucus ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay mayoralty bet Joseph Estrada at vice mayor Isko Moreno para ibintang kay Manila Mayor Alfredo S. Lim na may pakana, upang makakuha ng simpatiya sa publiko.
Ayon kay chief of staff ni Lim at media bureau director na si Ric de GuzÂman na desperado na ang kampo ni Estrada kaya gumagawa ng scenario upang may maging isyu lamang sila at makapanira ng kalaban.
“Ano naman ang susuÂnod? Ambush me? Wala na, desperado na talaga mga kalaban dahil alam nila na hindi sila malunok ng mga taga-Maynila,†ani De Guzman.
Una ay lumabas na sa survey na landslide na panalo si Lim, batay sa mga isinumiteng surÂvey report mula sa mga barangay ng district 1 hanggang district 6, maÂging mula sa mga kaÂalyado ng kampo ni EsÂtrada.
Hindi na umano dapat pang bigyan-pansin ng alkalde ang mga walang basehang atake laban sa kaniya, lalo na’t nakumÂpirma naman sa video ang reaksiyon ni Estrada at mga bodyguard at kapulisan ay hindi normal reaction, kundi ‘palabas lamang.