MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek ang mister ng isang reelectionist mayor ng United Nationalist Alliance (UNA) at isang bodyguard sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa bayan ng Lemery, Iloilo.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina John Apura, mister ni Lemery Mayor Ligaya Apura at isang alyas Espaldon na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy namang niÂlaÂÂlapatan ng lunas sa paÂgamutan ang isa pa nilang kasama.
Batay sa ulat, bandang alas-8:30 nang pagbabarilin ang mga biktima ng anim na mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. Anabo habang nangangampanya.
Ang mayoralty post sa bayan ng Lemery ay pinaglalabanan nina Ligaya Apura; Lowel Tuando Arban ng ruling Liberal Party at independent candidate Vicente Inion.
Arestado naman sa follow-up operation ang isa sa mga suspek na kiÂnilalang sa Mario Cobarrubias ng Dumarao, Capiz na wanted sa kasong murder.
Sinabi ng opisyal na inamin sa tactical interÂrogation ng suspek na may nag-utos sa kaniya dahilan sa alitan sa lupa pero lahat ng anggulo ay kanilang sinisilip kabilang ang pulitika.