MANILA, Philippines - Isang magkaibigan ang kapwa nasawi matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Ernie Fernandez, 25, pedicab driver habang ang kaibigan nito ay hindi na umaÂbot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio MeÂmorial Medical Center Hospital (GABMMC) ay si Cesar Gating, 33, vendor, ng Gate 54, Area C, Parola Compound dahil sa mga tama ng bala.
Batay sa ulat, alas -6:30 ng gabi nang puntahan ni Ernie ang bahay ng kaibigang si Gating sa nasabing lugar at ilang sandali ay siÂnugod umano sila ng mga hindi pa kilalang suspek at pinagbabaril.
Nakuha sa lugar ng piÂnangyarihan ang 2 basyo ng kalibre .45 at 10 basyo ng 9 mm na hinihinalang ginamit sa dalawang biktima.
Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagpatay dahil sa kilala ang lugar sa talamak na benÂtahan ng shabu.