MANILA, Philippines - Inatasan na ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Arthuro Cacdac Jr. si PDEA NCR Regional Director Willkins Villanueva at Intelligence Investigation Service (IIS) Director Randy Pedroso na kumpirmahin ang naturang balita at magsagawa ng masusi at agarang imbestigasyon tungkol sa naglabasang ulat hinggil sa kumakalat na drug money na ginagamit diumano ng ilang pulitiko sa kanilang paÂngangampanya sa Caloocan.
Ito ang kinumpirma ni PDEA Director Derrick Carreon, Public Information Officer ng PDEA at sinabi na nakarating sa kanilang ahensiya ang liham ni Arturo Magbanua ng grupong United Movement Against Drugs (Uni-Mad)-Caloocan matapos ibulgar ang pagkakasangkot umano ng kumakandidatong Mayor ng Caloocan na si Rep. Oscar “Oca†Malapitan ng UNA at ka tandem nito sa pagka-Vice MaÂyor na si Antonio “Nani†Almeda sa isyu ng milÂyong halaga ng shabu na nakumpiska sa American disc jockey na si Brian Hill sa Makati City nung nakaraang Nobyembre.