2 holdaper ng Bumbay napatay

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang lalaki matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa bigong panghoholdap  sa isang Indian trader kahapon sa San Pablo City, Laguna.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang  maganap ang shootout sa pagitan ng mga operatiba ng San Pablo City Police at ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Sta. Ana.

Nabatid na bago naganap ang shootout ay minanmanan  at sinundan  ng   dalawang  suspek ang isang Bumbay na may negosyong 5-6, subali’t  nakatunog  ito dahilan nang agaran nitong paghingi ng tulong sa mga otoridad.

Agad nagkasa ng dragnet operations ang mga pulis at habang hinahabol ang dalawang suspek ay agad itong nagpaputok ng baril.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nauwi sa palitan ng pu­tok sa pagitan ng mag­kabilang panig na kung saan ay napatay ang mga suspek na patuloy pang inaalam ang pagkaka­kilanlan.

 

Show comments