MANILA, Philippines - Nasugatan ang isang re-electionist mayor at anak nitong lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa labas ng kanilang bahay sa Victoria, Northern Samar kamakalawa.
Ang mga biktima ay kinilalang sina incumbent Victoria Mayor Jose Ardales at 23-anyos nitong anak na lalaki na si George na kapwa nilalapatan na ng lunas sa Allen District Hospital.
Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nakaÂrinig ng komosyon ang mag-ama sa labas ng kanilang bahay at nang lumabas ay agad na sila ay pinaulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang suspek.
Ang matandang Ardales ay isang re-electionist sa ilalim ng partido ng National Unity Party na mahigpit na kalaban ni Liberal Party candidate Guillermo Jumamil kaugnay ng gaganaÂping midterm elections sa Mayo 13.