Kandidatong mayor kinidnap ng NPA

MANILA, Philippine s- Matapos umanong mabigo na magbayad ng Permit to Campaign (PTC) fees sa komunis­tang grupo sa Baganga, Davao Oriental ay dinukot kamakalawa ang independent mayoralty bet na si Ronnie Osnan.

Batay sa ulat, dinukot ng mga rebelde si Osnan habang kasama ang isang Pastor Manny Tizon dakong ala-1:00 ng hapon matapos na mangampaya sa Brgy. Sampawan ng nasabing bayan.

Pinakawalan agad si Tizon na siyang nagreport ng insidente sa mga otoridad at nagbo­lun­taryong tutulong sa pakikipagnegosasyon.

Kabilang naman sa sinasabing dumukot sa alkalde ay isa nitong ka­babata at kaklase sa ele­mentarya sa bayan ng Baganga.

Nauna nang nagbanta ang mga rebelde na isasabotahe ang kampanya sa kanilang mga balwar­teng teritoryo ng mga kan­di­datong mabibigong magbayad ng PTC fees.

Kahapon dakong alas-6:00 ng umaga ay tumawag na sa kaniyang pamilya ang biktima at sinabing nasa ligtas siyang kalagayan sa bundok kasama ng kaniyang mga abductors bagaman bantay sarado ito.

Show comments