MANILA, Philippines - Ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Caloocan City ang pangunahing layunin at plataporma ni Liberal Party (LP) Caloocan mayoralty bet Rico Judge “RJ†Echiverri na anak nina incumbent city Mayor Enrico at PuÂriÂficacion Echiverri na maituturing na isa sa mahusay na abogado sa bansa dahil sa Ateneo De Manila Law School ito nagtapos.
Ilan sa mga programa ng batang Echiverri sa mamamayan ng Caloocan ay ang paninindigan sa prinsipyo na ang de kalidad na edukasyon na abot-kamay ng masa.
Hangad din na lalo pang makilala ang lungÂsod bilang isang malinis, payapa at maayos at mapanatiling laging handa ang mga komunidad sa kahit anumang sakuna para sa kapakanan ng taong bayan.
Isusulong din nito ang programang pangkalusugan sa pamamaÂgitan ng pagtatayo ng OsÂpital ng Caloocan sa North Caloocan City, pagÂlalagay ng mga maÂÂÂkabagong medical equipÂments sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, kasama na rin ang mga health centers.
Ipatutupad din ni RJ sakaling palarin ang very efficient governance kung saan dapat aniya ang matibay na pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng epektibong pamamaÂlakad ng gobyerno para sa masa.