MANILA, Philippines - Maraming trabahong lilikhain sa Rehiyon 11 at 12 ang Tampakan Copper-Gold Project (TCGP) sa South Cotabato kaya magsisidagsa ang mga manggagawa hindi lamang mula sa Mindanao kundi maging ang mula sa Luzon at Visayas.
Ito ang inihayag ni People’s Management Association of the Philippines (PMAP) national president Grace Sorongon dahil sa nagtataglay ang Tampakan project ng isa sa pinakamaÂlaking deposito ng tanso sa buong mundo kaya magbibigay ng produktibong employment sa maraming tao at makatutulong na baguhin ang buhay ng mga tao at mapauunlad ang ekonomiya lalo sa Mindanao.
Nasa ilalim ng operasÂyon ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) na kinontrata ng gobyerno sa pamamagitan ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) at tinatayang kukuha ang SMI ng 10,000 manggagawa sa panahon ng konstruksiyon at 3,000 manggagawa sa 17 taon ng pagmimina.