^

Police Metro

Engineer hinoldap sa gitna ng ilog, todas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay noon din ang isang 54-anyos na civil engineer matapos itong sumpakin sa dibdib ng mga suspek na nanghoholdap habang sakay ng bangka sa gitna ng ilog kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Danilo Omamalin, ng Zulueta St., Cabana­tuan. Habang tumakas ang mga suspek na nakasuot ng bonnet sakay ng bangka.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, ay su­­makay ang biktima sa bangka ni Federico Florez Jr., 24 sa Barangay  Dampalit, Malabon City upang magpahatid sa Echo Shield Land Fill Development Corporation sa Salabao, Obando, Bulacan.

Habang nasa gitna ng ilog ay hinarang ang ka­nilang bangka ng mga suspek na sakay rin ng bangkang de motor at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang bag pack ng biktima na naglalaman ng mga gamit at hindi pa batid na halaga ng pera.

Bago tumakas ay isa sa mga suspek ang sumum­pak sa biktima na na­ging dahilan upang dalhin ni Florez sa daungan ng Obando, subalit kaagad itong binawian ng buhay.

vuukle comment

BATAY

DANILO OMAMALIN

ECHO SHIELD LAND FILL DEVELOPMENT CORPORATION

FEDERICO FLOREZ JR.

HABANG

MALABON CITY

OBANDO

SHY

ZULUETA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with