MANILA, Philippines -Isang alumnus ng University of the Philippines (UP) ang kumukuwestiyon kay Senador Loren Legarda sa huling pagdedeklara sa biniling “condominium unit†sa New York, USA noong 2006 na lumutang lamang sa kanyang “statment of assets and liabilities (SALN)†nito lamang 2011.
Ayon kay Louis “Barok†Biraogo, nagpakilalang isang “public interest advoÂcate†na nakapagtataka ang hindi pagdedekalara sa nabiling condo unit sa #77 Park Avenue, New York sa SALN ng Senadora mula 2007 hanggang 2010.
Sa dokumentong nakuha umano niya sa “online records section†ng Office of the Register of Property Deeds ng New York City, noon pang Mayo 9, 2006 nabili ni Legarda ang ari-arian na nagkakahalaga ng US$700,000 na binayaran umano ito ng buo at ng cash sa loob ng isang araw.
Hindi naman umano idineklara sa kanyang 2011 SALN ang naturang ari-arian at ano ang kasalukuÂyang “fair market value†at kung may “improvements†na ginawa.
Hinala ni Biraogo na maaaring natakot si Legarda dahil nang ginagawa umano nito ang kanyang 2011 SALN noong mga unang buwan ng 2012 ay kainitan ng “impeachment†ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na nakasentro sa kanyang SALN.
Ipinunto rin nito na ang halaga ng $700,000 noong taong 2006 ay P35.9 milyon base sa exchange rate noon na P51.40-$1 at hindi ang idineklarang P27.8 milyon kaya lalabas umano na may “undervaluationâ€.
Ang #77 Park Avenue ay isa umano sa pinakamahal na address sa New York at sa buong mundo kung saan ay may ari-arian dito ay mga bilyunaryong paÂmilya tulad ng Rockefellers at Trumps.
Kailangan umanong ipaliwanag ni Legarda ang biglang paglaki ng net worth niya pati na ang kanyang deposito sa mga bangko noong 2011.
Sa 2010 SALN ni Legarda, nasa P45,545,565 ang kanyang deklaradong net worth at P180,000 ang kanyang bank deposits. Ngunit sa 2011 SALN ay biglang luÂmaki ang kanyang net worth sa P68,553,755 at ang kanyang bank deposits sa P7,963,190.
Sinabi ni Biraogo na bilang UP alumnus ay nagkainteres siya na bulatlatin ang mga record ni Legarda nang malaman niya na ang senadora ay pararangalan ng kanilang alma mater bilang pangunahing alumna.