MANILA, Philippines -Kabilang si Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie VillaÂnueva ang nagpapasalamat kahapon sa ginawang pag-eendorso sa kanya ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang pinakamaÂlaking labor confederation sa bansa na may 1.2 milyong miyembro.
Pinangunahan ni TUCP sectoral Rep. RayÂmond Democrito Mendoza ang pag-eendorso kay Bro.Eddie sa isang seremonya sa TUCP Building sa Diliman, Quezon City na kung saan ay lumagda ng isang manifesto na nagpapahayag ng suporta sa kandidatura nito.
Bukod kay Bro. Eddie iniendorso rin ng TUCP ang iba pang kandidato na sina Loren Legarda, Bam Aquino, Cynthia Villar, JV Ejercito, Alan Peter CaÂyetano at Risa Hontiveros.
Kaya umano inendorso ng TUCP ang kandidatura ni Bro. Eddie ay dahil sa pagmamahal nito sa bayan at pag-unlad ng kabuhayan ng mga mahihirap o yung nasa marginalized sector na kung tawagin ay “nasagigilidâ€.
Kaya’t nangako si Bro. Eddie na ang plataporma niya sa senado ay pag-angat ng kabuhayan ng mga maliliit na manggagawang Pinoy sa loob at labas ng bansa.