Bisita utas sa birthday party

MANILA, Philippines - Naging madugo ang pag­diriwang ng isang birthday party matapos na mapatay sa saksak ang isang bisita kamakalawa ng  gabi sa Valenzuela City.

Ang biktima na na­ma­tay noon din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ay nakilalang si Ma­rio Cejudo, nasa hus­tong gulang, ng Baran­gay  Karuhatan ng natu­rang lungsod.

Ang suspek na agad naaresto ay nakilalang si Santiago Versosa, nasa hus­tong gulang at kalugar ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, naganap ang insi­dente dakong  alas-6:40 ng gabi sa isang birth­day party sa Lopez St., Ba­rangay Karuhatan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid, na dumalo ang biktima sa kaarawan ng kaibigan sa naturang lugar  at nakipag-inuman ito.

Ilang sandali ay lu­ma­­pit ang suspek na may dalang patalim sa bik­ti­ma at walang salitang pi­nagsasaksak ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments