Bisita utas sa birthday party
MANILA, Philippines - Naging madugo ang pagÂdiriwang ng isang birthday party matapos na mapatay sa saksak ang isang bisita kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Ang biktima na naÂmaÂtay noon din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kataÂwan ay nakilalang si MaÂrio Cejudo, nasa husÂtong gulang, ng BaranÂgay Karuhatan ng natuÂrang lungsod.
Ang suspek na agad naaresto ay nakilalang si Santiago Versosa, nasa husÂtong gulang at kalugar ng biktima.
Sa pagsisiyasat ng puÂlisya, naganap ang insiÂdente dakong alas-6:40 ng gabi sa isang birthÂday party sa Lopez St., BaÂrangay Karuhatan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid, na dumalo ang biktima sa kaarawan ng kaibigan sa naturang lugar at nakipag-inuman ito.
Ilang sandali ay luÂmaÂÂpit ang suspek na may dalang patalim sa bikÂtiÂma at walang salitang piÂnagsasaksak ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
- Latest