Nagreklamo kay Rep. Banal ng ‘vote buying’ umatras
MANILA, Philippines - “Hindi ko po naiintindihan ang pinapirmahan sa akin. Hindi ko po alam na ang irereklamo ko ay si Rep. Banal. Kaya para sa kapanatagan ng kalooban ko ay iniuurong ko na ang aking reklamo.â€
Iniurong ngayon sa Commission on Elections (Comelec) ang reklamong vote-buying laban kay 3rd District Representative Jorge “Bolet†Banal, matapos bawiin ng nagreklamo ang kanyang mga akusasyon, na aniya ay “isinubo†lang umano sa kanya ng mga kalaban ni Banal.
Pinilit lang umano si Danilo B. Florano, Jr, ng Kalye Bautista, Barangay Pansol ng pamilya ng kalaban ni Banal na ireklamo ang huli sa Comelec dahil sa proyekto nitong libreng gamit-eskwela sa National Bookstore.
Katuwang ni Banal ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon at ang good governance advocacy group na Kaya Natin sa pamamahagi ng mga gift vouchers na ito para sa mga mag-aaral ng public schools noong Marso, bago sumapit ang itinakdang ban ng ComeÂlec.
Personal na nagsadya si Florano sa tanggapan ni Banal sa Quezon City Hall, matapos umanong mabagabag sa kanyang ginawa, at humingi ng tulong upang bawiin ang “gawa-gawang†reklamo.
- Latest