MANILA, Philippines - Hinahanap ngayon ng mga taga 3rd district ng Bulacan kung saan napunta ang may P2-bilyong inutang ng pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Philippine National Bank (PNB).
Hiniling ng Bulacan Anti-Graft League (BAGL) kay Provincial Board Member at ngayo’y 3rd district congressional bet Enrique “Asac†Viudez III na deÂtalyadong ipaliwanag sa taumbayan kung saan na napunta ang nasabing salapi.
Pinuna ng BAGL si Viudez, bilang Chairman ng Committee on Finance ang nanguna upang mabigyan ng pahintulot ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ni Gob. Willy Sy-Alvarado, na manguÂtang ng naturang halaga. .
“Wala man lang kahit partial na breakdown o kuwenta kung saan na napunta ang pera, kung may natitira pa at sino ang may hawak,†anang BAGL. Ayon sa BAGL, ang pagÂlilinaw sa P2-bilyong loan ang dapat unahin ni Viudez sa halip na paniniÂrang puri sa kaniyang mga kalaban o puro batikos na wala namang sapat na basehan.