Kondisyon ng lupang sakahan pag-aralan – Enrile
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng paniniwala si United NatioÂnalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile na ang pag-aaral sa kondisyon ng agricultural soil ay makatutulong sa bansa sa pagtukoy ng kakayahan natin na makapag-produce ng pagkain para sa buong bansa.
Tinutukoy ni Enrile ang pag-adopt ng Pilipinas sa Bhoochetana (reviving the soil) program ng InÂdia sa pamamagitan ng Department of Agriculture-NatioÂnal Rice Program.
Sa ilalim ng programa, pag-aaralan ang nutrient status ng agricultural soils sa bansa, gamit ang rain-fed agriculture program ng India, at pagsasagawa ng soil rejuvenation upang madagdagan ang productiÂvity nito.
Paliwanag ni Enrile ang pagtaas ng temperature at matinding pag-ulan sa bansa ay nakapagko-conÂtribute sa soil degradation.
“According to studies, once soil is damaged to a certain degree, it is very difficult to restore it. While soil analysis involves simple technology, it is crucial to climate change mitigation in the agriculture sector,†pagtatapos pa niya.
- Latest