‘Pusher’ utas sa taga at boga

MANILA, Philippines - Utas ang sinasabing  “drug pusher at holdaper” makaraang tagain sa mukha at barilin sa dibdib ng hindi pa naki­kilalang suspek sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay naki­lalang si Jaubeth  Bautista Jaurique, binata, residente  ng #1212 Meding St., Malate, Maynila.

Sa ulat ni  SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong alas-6:10 ng umaga nang maganap ang insidente sa gilid ng creek na matatagpuan  sa panulukan ng Tuazon at Arellano Avenue, Malate.

Bago ang insidente ay sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at isang hindi pa nakikilalang suspek na nag-ugat para tagain sa mukha at barilin ito sa dibdib na na­ging dahilan ng on-the-spot na kamatayan ng biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril at itak na ginamit sa krimen.

Si Jaurique ay kilala umanong ‘nagtutulak ng droga at pagiging holdaper’ sa kanilang lugar.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

 

Show comments