MANILA, Philippines - Naaagnas na ang bangÂkay ng isang estudyanÂte nang ito ay matagpuÂang nakabigti sa isang abanÂdonadong bahay sa isang subdivision sa Imus Cavite, kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilaÂlang si Martin Matthews Era, 20, estudyante ng Adamson University na residente ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus Cavite.
Batay sa imbestigasÂyon ni PO3 Allan Reyes, may hawak ng kaso, ganap na alas-7:00 ng umaga ng matagpuan ni Samuel Era, ang kanyang anak na nakaÂbigti sa isang abandonadong bahay sa Meadow Vill Subdivision, Imus CaÂvite.
Ayon kay Samuel, nagkaroon ng problema sa paaralan ang kanyang anak kaya ito pansamantalang nahinto sa pag-aaral.
Sinabi ni Samuel, noong April 18 ay umalis umano ng bahay ang bikÂtima pero hindi na ito muÂling nakabalik pa kaya ito hinanap kung saan-saan hanggang sa makitang nakabigti.
Hinihinala ng pulisya na may limang araw ng patay ang biktima nang ito ay matagpuan dahil naaagnas na. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng estudyante.