Tserman gutay, 2 pa sugatan sa sumabog na bomba

MANILA, Philippines - Namatay habang dina­dala sa ospital ang barangay chairman na si  Sanlindatu Raguiamuda, 52-anyos, ng Brgy. Macasampen ng Guindulungan, Maguindanao habang nasugatan ang isang 14-anyos na anak at isang 7-anyos  na batang babae nang masabugan ng bomba sa itinanim sa kalsada kahapon ng umaga.

Sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa highway ng Poblacion ng bayan ng Guindulungan habang ipinaparada ng biktima ang kaniyang Tamaraw FX vehicle sakay ang  binatilyo nitong anak.

Show comments