MANILA, Philippines - Bantay-sarado ng mga otoridad ang isang 26-anyos na dalaga na inoÂobserbahan sa Ospital ng Maynila, matapos malaglag ang nasa sinaÂpuÂpunang dalawang buwan fetus kamakalawa ng hapon.
Ayon kay SPO1 JuÂlieto Malindog, ng MaÂnila Police District-HomiÂcide Section, saÂsamÂpahan nila ng kaso ang dalaga na itinago sa pangalang “Giselleâ€, ng Paco, Maynila kung mapapatunayang sinadya nitong ilaglag ang dalaÂwang buwang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Nabatid na isinugod si Giselle sa nasabing ospital dahil sa matinding sakit ng tiyan at pagdurugo matapos uminom umano ng isang gamot na pamÂpalaglag na nabili nito.
Nabatid na nakaÂtakÂdang mangibang-bansa ang dalaga para magÂtraÂbaho.