MANILA, Philippines - Isang hinihinalang shabu tiangge ang sinalakay kahapon ng umaga ng mga otoridad sa San Pablo City, Laguna na kung saan ay nasa 30 katao ang nasakote na kinabibilangan ng limang babae na may edad 18.
Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Pascual Munoz, nagsimula ang raid dakong alas-5:30 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga sa natukoy na shabu tiangge sa Sitio Trianggulo, Brgy. II at II B sa nasabing lungsod.
Bago ang pagsalakay ay isinailalim sa masusing surveillance operations ang naturang lugar matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad sa talamak na bentahan ng shabu sa naturang shabu tiangge.
Umaabot sa pitong malaÂlaking sachet na nagÂlalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.00 ang nakumpiska sa naturang operasyon.