^

Police Metro

‘Bigger pie, bigger slice’ policy isusulong ni Koko

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala  ni reelectionist Senator Aqui­lino “Koko” Pimentel III na mahalaga ang pag-unlad ng bansa sa tulong ng Local Government Units o LGU’s sa isinusulong niya na panukalang dagdagan ang share ng LGU’s sa national taxes na kanyang tinatawag na “bigger pie, bigger slice” policy.

Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay 40 porsiyento lamang sa nakokolektang buwis ang nakukuha ng LGU’s bilang Internal Re­venue Allotment o IRA pero sa kanyang panukalang tatawaging Share in the National Taxes o SNT ay dapat maging 50/50 na ang hatian ng national at local governments sa mga nakokolektang buwis.

“Dapat talaga na hating-kapatid sa buwis ang pambansang gobyerno at LGU’s para lalong bumilis ang ekonomikong pag-unlad ng mga probinsiya, siyudad, bayan at maging ang mga barangay,” ayon kay Pimentel.

“Lilikha rin ito ng mas maraming trabaho at ma­ka­pagbibigay sa taumbayan ng mas malawak na serbisyong panglipunan na kaila­ngang-kailangan ng mahihirap na mamamayan,” dagdag ng senador.

vuukle comment

AYON

DAPAT

INTERNAL RE

LILIKHA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MALAKI

NATIONAL TAXES

SENATOR AQUI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with