MANILA, Philippines - Ginulpi ang isang 18-anyos na binata ng sariling ama matapos itong magalit sa ginawang pagsita ng una sa kasamang babae na umano ay kalaguyo nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima na nagÂtaÂmo ng mga pasa sa kaÂtawan ay nakilalang si Ledzel Gaa, ng Lerio St., Camarin D., ng naturang lungsod.
Ang suspek na ama nito ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Zoilo Gaa, 37, na kiÂnasuhan ng physical inÂjuries, illegal possesÂsion of deadly weaÂpon at paglabag sa omÂnibus election code.
Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi haÂbang nakatambay ang biktima sa nasabing lugar ay nakita nito ang ama na kasama ang umano’y kalaguyo nito na si alyas Tin-Tin.
Kinompronta ng biktima si Tin-Tin hangÂgang sa magkasaÂguÂtan na nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan para saktan ng suspek ang anak na natigil lang nang magÂdatingan ang mga tanod.
Nakuhanan ng mga tanod ang suspek ng patalim dahilan para ito ay dalhin sa presinto.