MANILA, Philippines -Araw-araw na gawin ang pagtatanim ng mga puno at hindi tuwing ipinagdiriwang lamang ang “Earth Dayâ€.
Ito ang inihayag ng SaÂgittarius Mines, Inc. (SMI) na ang adbokasiya ay resÂponsableng pagÂmiÂmina at tumutugon sa pangaÂngalaga sa kapaligiran at rehabilitasyon ng lupaing maapektuhan ng proyekto sa pagmimina nito.
Sinusuportahan ng SMI ang programa ng gobyerno na Community Based FoÂrestry Management (CBFM) sa pagkakaloob ng pondo para sa reporesÂtrasyon na nagkaÂkalbo at mga tigang na lugar at pagpapaunlad sa kagubatan sa Rehiyon 11 at 12.
Nagtatag din ang SMI ng dalawang plant nurÂseries na nagprodyus ng kabuuang 800,000 binhi na ipinamahagi at itinanim sa dalawang rehiyon. Patitindihin din ng SMI ang pagsisikap sa reporestrasyon sa lubos na pagsuporta sa CBFM.
Hawak ng SMI ang financial and technical contract para paunlarin ang Tampakan Gold-Copper Project sa Tampakan, South Cotabato. Ang US$5.9B project ay pinakamalaking single direct foreign investment sa bansa.