MANILA, Philippines -Sinuportahan ng mining employees sa buong bansa ang “Ang Minero PartyÂlist†upang maging tinig ng kanilang sektor sa KonÂgÂreso.
Sinabi ni Minero PartyÂlist 1st nominee Engr. Louie Sarmiento, sa kanyang pag-iikot sa mineral-rich na Luzon, Visayas at Mindanao ay naging mainit ang pagÂsuporta ng mahigit 250,000 empleyado ng mining industries sa kanilang partylist group.
Dinalaw kamakailan ni Engr. Sarmiento ang TaÂganito Mines, Manila MiÂning, Greenstone Resources Corporation, Philex Silangan sa Surigao, Berong Nicle, Rio Tuba at Macro Asia sa Palawan, gayundin ang iba’t ibang mining companies sa Luzon, Visayas at MinÂdanao kung saan ay siniÂguro sa kanya ng mining sector ang pagsuporta sa Ang Minero Partylist.