MANILA, Philippines -Sa mismong araw ng kanyang kaaÂrawan napatay ang isang holdaper nang lumaban sa mga pulis na aaresto sa kanya matapos magsagawa nang panghoholdap sa isang pampasaherong van kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ng isang ReÂmelyn Borromeo na ang napatay na suspek ay ang kanyang live-in na si Jonathan Ragundias, 31.
Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout daÂkong alas-11:10 ng gabi sa flyover ng Aurora Blvd., na matatagpuan sa San Martin de Porres, Cubao ay sumakay si Ragundias at isang kasama sa UV Express Van (PWY-189) na may biyaheng Cubao-Quiapo at nagpangÂgap na mga paÂsahero.
Pagdating sa tapat ng St. Lukes Hospital ay nagdeklara ang mga ito ng holdap sa mga pasahero na kinilalang sina April Joy Aguilar, 24, BDO collector; Ricky Nacario, 21; at Annalyn Ladrio, 20.
Pagsapit sa 12St., ay bumaba ang dalawang suspek tangay ang pera at gamit ng mga biktima.
Hindi pa nakuntento ay kinomander ang nakaparadang motorsiklo ni Roberto Lim, 52, barangay kagawad na noon ay umiihi sa gilid.
Tiyempo namang nagpapatrulya ang tropa ng QCPD-CIDU sa lugar sakay ng mobile QC-42 na hiningan ng tulong ni Lim at hinabol ang mga suspek.
Nang muling maispatan ang motorsiklo ay tanging si Ragundias na lamang ang sakay at wala na ang kasama.
Inoberteykan ng mga pulis ang motorsiklo ng suspek upang pahintuin ito, pero sa halip na sumunod ay pinaputukan ang mga una kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ni Ragundias na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.
Malaki ang hinala ng pulisya na kaya nangholÂdap ang suspek at dahil sa kaarawan niya ng gabing iyon at gusto lang nito na may panghanda.