Mga Payumo sa Bataan nauungusan

MANILA, Philippines -Kung pagbabasehan ang pinakabagong survey sa mga local candidates sa lalawigan ng Bataan ay lalong lumilinaw na tapos na ang pamamayagpag ng mga Payumo sa pulitika sa Bataan.

Ayon sa mga pinaka­bagong survey, lamang si first congressional district aspirant Herminia Roman sa kaniyang kalaban na si dating Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Felicito Payumo ng 54 percentage points, 77 percent kontra 23 percent.                               

Sa pagka-gobernador naman, lamang si Albert ‘Abet’ Raymond Garcia kay Joel Jaime Payumo ng 46 percentage points, 73 percent kontra 27 percent.

Ipinakita rin ng surveys na lamang si Abet ng malaki laban kay Payumo sa mga sumusunod na bayan: Bagac, 68 percent kontra 32 percent; Orion, 70 percent kontra 30 percent; Limay, 76 percent kontra 24 percent at Mariveles, 86 percent kontra 14 percent.

Para sa pagka-alkalde naman ng bayan ng Dinalupihan, nangunguna si  Maria Angela ‘Gila’ Garcia na may 54 percent rating laban kay Jose Alejandre Payumo na mayroong 46 percent.

Show comments