MANILA, Philippines -Nais ni United NatioÂnaÂlist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile na magsagawa ng public consultation ang Department of Labor and Enployment (DOLE) hinggil sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 10361 o mas kilala bilang Batas Kasambahay.
Ayon kay Enrile, ang pagsasagawa ng naturang konsultasyon ay makakatulong upang malaman at malinawan ang mga karapatan ng mga kasambahay at mga employers.
Idinagdag pa ni Enrile, na kinatawan din ng unang distrito ng Cagayan at siyang orihinal na may-akda ng Batas Kasambahay sa Kongreso, na ang naturang batas ay mangangalaga rin sa interes ng magkabilang panig.
Nakapaloob sa Batas Kasambahay ang pagtatakÂda ng minimum wage na P2,500 kada buwan sa Metro Manila, P2,000 sa mga chartered cities at first class municipalities habang P1,500 minimum na sahod sa iba pang munisipalidad, bukod pa sa pagbibigay ng mga employers ng social, medical at iba pang benepisyo.
Sinabi naman ng DOLE na ang pagkakaroon ng konsultasyon ay makakatulong upang malinawan ang mga isyu na binabanggit ng mga stakeholders, kabilang ang mga employers at mga concerned government agencies.
Nilinaw din ni Enrile na taliwas sa iniisip ng maÂraming employers, binibigyang proteksyon din ng batas ang mga ito sapagkat nakapaloob sa batas na maaring suriin mabuti ang mga lehitimong kasambahay mula sa mga peke at nagpapanggap lamang na ang motibo ay gumawa ng masama at magsamantala sa kanilang trabaho.