Driver ng kandidato itinumba
MANILA, Philippines -Isang 38-anyos na driÂver ang nasawi matapos itong pagbabarilin habang hinihintay ang among kandidato na nangangamÂpanya kahapon ng umaga sa Pasay City.
Dead-on-the spot dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na nakilalang si Wilfredo Panajon, 38-anyos, residente ng naturang lungsod.
Tumakas naman ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasuot ng helmet sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan patungong direksyon ng Libertad St. sa lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa harapan ng Blanco Arms sa no. 2424 Zamora St. kanto ng Primero De Marso St., sa lungsod.
Nabatid na naiwan sa sasakyan si Panajon habang nangangampanya ang among kandidato na si Alvin Cruzin at ibang tagasuporta sa isang eskiÂnita.
Paglabas nina Cruzin ay nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nadatnan ang biktima na duguan sa kotse.
- Latest