MANILA, Philippines - Apat katao na kinabiÂbilangan ng 2 Tsinoy na umano ay mga bigtime drug pushers ang naaresto ng mga otoridad sa shabu buy bust operation sa Quezon City at narekober ang nasa 40 kilo ng shabu.
Sa buy bust opeÂration na naganap kaÂhapon ng umaga sa QueÂzon City ay naaresto ng mga opeÂratiba ng Anti-Illegal Drugs-Special Task Group ng Quezon City Police ang apat na suspek na kinilalang sina Mark Sy Hue, 39; at Honorato Lo Pontigonon, 39; pawang taga Sta. Cruz, Maynila; at dalawang Pinoy na sina James Rosales, 26, ng Multinational Village Quezon City at Crisologo Puzon, 40 ng Las Piñas City.
Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang nasa 40 kilo ng shabu na umaabot sa P250 milyon.
Bago naaresto ang mga suspek ay nakipagtranÂsaksyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek sa pagbili ng shabu ganap na alas-4:30 ng madaling-araw sa isang coffee shop sa may Banawe Avenue malapit sa panulukan ng Makaturing St., Barangay Manresa, Laloma na kung saan ay naaresto sina Hue at Puzon habang sakay ng Honda Civic (UUY-425) at nakuha ang kalahating kilo ng shabu na nakabalot sa pan-regalo.
Muling nagsagawa ng follow-up buy-bust opeÂration ang tropa laban kina Pontigonon and Rosales at nagkasundo na magpalitan ng items sa may harap ng Starbucks sa kahabaan ng Banawe kung saan sila naaresto, ganap na alas-7:30 ng umaga.
Nang siyasatin ang dala nilang Mitsubishi Lancer (UTE-886) ay naÂrekober ang dalawang malaking bayong na plastic na kinalalagyan ng bulto-bultong shabu na nakasilid sa 39 piraso ng ziplock plastic bag.
Natuklasan din ng pulisya na ang bagong modus operandi na ginagawa ng grupo na bukod sa pera ay ibinibenta na rin umano nila ang dalang mga sasakyan, upang hindi mahalata ang abutan ng mga kontrabando.